Mga mekaniko ng PUVs ida-drug test
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isailalim sa drug test ang lahat ng mekaniko ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, nararapat na magpa-drug test ang lahat ng mekaniko ng for-hire-vehicles sa buong bansa dahil sa kanila nakasalalay ang kapakanan ng mga sakay ng naturang sasakyan.

“Sila ang tumitingin sa makina ng sasakyan, ang mga mekaniko ang tumitingin sa kundisyon ng mga sasakyan at ang road worthiness ng mga passenger vehicle kayat kailangan nilang magpa-drug test,” pahayag ni Inton.

Ang pagsasailalim sa mga mekaniko sa drug test ay gagawing random ng LTFRB at walang pasabi.

 

ANG ARIEL INTON AYON DRUG INTON LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD MEKANIKO MGA PLANO SASAKYAN SILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with