_ngayon
^

Bansa

PNP, AFP nagturuan sa Mamasapano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagturuan at nagsisihan ang pulisya at militar sa nangyaring sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).

Sa re-opening ng im­bestigasyon ng Senado kahapon, iginiit ni da­ting SAF chief Getulio Napeñas na umaga pa lang ay humingi na sila ng artillery support dahil hindi makapasok ang mga sundalong rumesponde, ngunit hindi umano pinayagan ni Army 6th Infantry Division commander M/Gen. Edmundo Pangilinan.

Kaya tumawag daw si Napenas kay Western Mindanao Command commander Lt/Gen. Rustico Guerrero at pagkalipas umano ng 30 minuto ay nagpakawala na ng artillery ngunit huli na ang lahat dahil nasawi na ang 44 na SAF troopers.

Sagot naman ni Pa­ngilinan, hindi siya agad makapag-utos na magpa­kawala ng artillery fire dahil hindi pa tukoy ang kalaban dahil mali-mali ang impormasyon na ibinibigay ni Napenas.

Nagpakawala lamang daw sila ng kanyon nang matukoy na ang lokasyon ng kalaban.

Dahil dito sinermunan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang tila hindi maayos na aksyon ng mga pinuno ng militar at pulisya sa crisis situation.

Partikular na sinabon ni Enrile si Pangilinan dahil hindi kaagad nagbigay ng artillery support sa SAF habang nakikipaglaban ang mga ito.

Nainis si Enrile sa na­ging sagot ni Pangilinan kay Napeñas na hindi siya basta-basta makakalusob at makakapag-bomba kung hindi sapat ang ibinigay sa kanilang impormasyon mula sa ground.

“If we only know kung ang area of operation, kung sino ang target, we could provide the support na kayang ibigay,” ani Pa­ngilinanan.

Hindi nagustuhan ni Enrile ang nasabing sagot dahil kung ginigiyera na umano ang bansa, ay dapat maging flexible at hindi doctrinal ang kumander ng militar.

“My goodness Gen. Pangilinan! In a running battle, is that how are you going to handle a critical situation?  If this is war, my God the country will be in a terrible peril if you are the commander, a commander is supposed to know his area of operation and you have to innovate, you have to be flexible not doctrinal,” ani Enrile.

Sinabi rin ni Enrile na magsisilbing wake up call para sa bansa ang naging palpak na operasyon dahil lumalabas na walang lider na humahawak sa buong sistema.

“This is a wake up call for the country. That shows there there is no leader handling the entire system in a critical moment. Nagtuturuan kayo eh!...Eh sasalakayin kayo ng Tsina at ganyan gagawin ninyo? Maleletse ang buong Pilipinas di lang kayo. My God!” ani Enrile.’

Idiniin din ni Enrile si Pangulong Aquino na res­ponsable sa palpak na operasyon ng SAF sa Mamasapano.

Sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig, sinabi ni Enrile na may direktang partisipasyon si Aquino sa nasabing insidente sa Mamasapano at na-compartmentalized o nilimitahan lamang niya sa kanyang sarili at kay Deputy Director General Alan Purisima ang nasabing misyon na tinawag na Oplan Exodus.

Tahasan ding sinabi ni Enrile na nagtago si Aquino sa likod ng kanyang kaibigan na si Purisima upang makaligtas sa anumang pananagutan sa pagkamatay ng SAF 44.

Sinabi rin ni Enrile na ang Pangulo ang “approving authority” at tahasan din umano nitong isi­nantabi ang command system sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng PNP.

Matatandaan na sa mga nauna ng pagdinig ng komite inamin ni Napeñas na sinadya nilang hindi ipaalam kaagad sa AFP ang operasyon at gawin na lamang itong “time on target” o ipaalam sa mismong oras dahil ang mga nauna nilang misyon ay nabulilyaso o hindi natutuloy kapag nakikipag-coordinate sa militar.

Pero iginiit naman ni Purisima na iprinisinta lamang sa Pangulo ang plano ng SAF sa pamamagitan ni Napeñas at ito rin ang nagbigay ng suhestiyon kung kailan gagawin ang Oplan Exodus.

Lumabas drin sa pagdinig na hindi pa nakukuha ang reward money na P7 milyon sa panig ng Pilipinas at $5 milyon mula sa Amerika dahil pino-proseso pa ito.

ACIRC ANG AQUINO ATILDE DAHIL ENRILE HINDI MAMASAPANO OPLAN EXODUS PANGILINAN SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with