^

Bansa

Suplico nagbanta sa pagbabalik ng ZTE

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni dating Iloilo Rep. at ngayo’y Iloilo Vice Governor Rolex Suplico ang publiko hinggil sa posibleng pagkakaroon muli ng ZTE scandal sa bansa sa pamamagitan ng pagpasok ng Australian Communications firm Telstra sa Philippine market.

Si Suplico na isa sa mga nagsampa ng impeachment complaint kay dating Pangulong Gloria Arroyo dahil sa maanomalyang ZTE NBN contract, ay nagsabing tumanggap siya ng report na ang Telstra ay gagamitin umano ng ZTE upang makapagtayo ng broadband network sa Pilipinas.

“While we welcome the entry of foreign investments in the country, we strongly recommend that these investors choose their partners wisely and refrain from associating with organizations of tainted and questionable integrity,” pahayag ni Suplico. 

Sinabi pa ni Suplico sa ginanap na press conference sa QC, na ang ZTE ay naugnay na sa korapsiyon sa Pilipinas at pinangangambahang maulit umano ito. 

Hinikayat din ni Suplico ang pamahalaan  na huwag payagan ang pagkakaroon ng isa pang kahalintulad na ZTE-NBN deal na lumabag ito sa konstitus­yon, Government Procurement Act, Build-Operate-Transfer law, at sa  Telecoms Policy Act.

Binigyang diin nito ang matinding pangangailangan ng bansa na masolusyunan ang mabagal na Internet service sa Pilipinas pero kailangang tingnang mabuti kung ito ay tahasang magbibigay ng benepisyo sa mamamayan.

 “The government must do its part and invest in the infrastructure we need,regulators should continue to look for other solutions to slow Internet, including a review of the optimal allocation of limited frequencies,” dagdag pa ni Suplico.

Nilinaw nito na wala naman siyang pinapanigan at sinusuportahang anumang telecommunications company sa bansa bastat ang nais niya anya ay maiparating sa pamahalaan na huwag nang payagang maulit pa ang isa pang  NBN-ZTE corruption scandal at tumulong na mapalakas ang pagbibigay ng mahusay na  telecoms services sa ating bansa.

vuukle comment

ANG

AUSTRALIAN COMMUNICATIONS

GOVERNMENT PROCUREMENT ACT

ILOILO REP

ILOILO VICE GOVERNOR ROLEX SUPLICO

NBSP

PANGULONG GLORIA ARROYO

PILIPINAS

SI SUPLICO

SUPLICO

TELECOMS POLICY ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with