^

Pulis sinalpok ng motorsiklo sa checkpoint

(Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nagkabali-bali ang buto ng 47-anyos na pulis na nagbabantay sa checkpoint ng Comelec matapos itong salpukin ng motorsiklo na ayaw magpasita sa kanila sa harapan mismo ng Munisipyo ng Sanchez Mira, Cagayan kamakalawa ng gabi. ?

Ayon kay SPO1 Bladimir Enteria, tumilapon ng ilang metro ang biktimang si SPO4 Onasis Palacay nang mabangga ng motorsiklo ng mekanikong si Reymar Abugan, 28.

Nabatid na tinangkang lampasan ni Abugan ang Comelec checkpoint dahil wala itong suot na helmet.?

Gayon pa man, naisugod ng mga kabarong pulis si SPO4 Palacay sa Far North Hospital sa bayan ng Luna, Apayao kung saan din dinala si Abugan na nagtamo rin ng pinsala sa katawan dulot ng aksidente.

ABUGAN APAYAO AYON BLADIMIR ENTERIA COMELEC FAR NORTH HOSPITAL GAYON MUNISIPYO ONASIS PALACAY REYMAR ABUGAN SANCHEZ MIRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with