^

Bansa

Airport taxis ‘ginto’ maningil sa pasahero

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaaaksyunan ni Sen. Sonny Angara sa mga kinauukulan ang mga reklamo ng publiko kaugnay sa napakataas na fare charge ng mga airport taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa senador, bukod sa negatibo ang magi­ging epekto nito sa imahe ng Pilipinas, mistulang pi­nalalayas pa natin sa bansa ang mga dayuhan.

Panahon na aniya para busisiin ito ng mga opis­yal sa airport, gayundin ng transport officials ang napakatagal ng problema dahil posibleng ito pa ang pagsimulan ng pagbagsak ng turismo ng bansa.

Sa isang post ng Top Gear Philippines na kuma­lat sa Facebook, nilapitan umano sila ng isang yellow airport taxi na agad umano silang prinesyuhan ng driver nito ng halagang P1,800 mula NAIA Terminal 2 hanggang Mandaluyong.

Sa halip na sumakay, tiniis na lang ng grupo ang mahabang pila para sa ordinaryong taxi na sumi­ngil lamang sa kanila ng halagang P320.

Isa naman umanong Amerikano ang kinontrata sa napakalaking halaga na P3,200 mula lamang sa airport hanggang sa Makati.

Sa kasalukuyan, ang flag down rate ng mga ordinaryong taxi ay P40 lamang at dagdag na tig-P3.50 kada 300 metro, samantalang ang flag down rate ng airport taxis ay P70 at dagdag na P4 kada 300 metro.

Noong Abril nang nakalipas na taon, pinayagan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga ‘di rehistradong metered taxi na kumuha ng mga pasahero sa arrival areas ng NAIA 2 at 3, sa kondis­yong papasok lamang sila roon kapag peak hours at dagsa ang mga pasahero.

ACIRC

AIRPORT

AMERIKANO

ANG

AYON

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOONG ABRIL

SONNY ANGARA

TOP GEAR PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with