^

Nagawa ng administrasyon sa 6 na taon silipin - Palasyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ng Malacañang ang mga mamamayan na tingnan ang mga nagawang mabuti ng administrasyon sa loob ng anim na taon.

Sa isang pahayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, sinabi nito na puwedeng silipin ang website na http://www.gov.ph/featured/daang-matuwid kung saan umano makikita ang mga nagawa ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

“On this note, we invite everyone to view and share the year-end feature on the major achievements of and by a Filipino nation united under the banner of Daang Matuwid,” ani Valte sa statement.

Wika niya na ang pasimula ng taong 2016 ay nangangahulugan ng panibagong chapter sa buhay ng mga Filipino.

Naniniwala si Valte na nananatili pa ring positibo ang pana­nanaw ng mga Filipino base na rin aniya sa mga nagdaang survey na isinagawa ng Pulse Asia at SWS.

Sana aniya ay magpatuloy ang positibong pananaw kahit pa matapos ang nalalabing anim na buwan ng kasalukuyang administrasyon.

ABIGAIL VALTE ACIRC ANG ATILDE DAANG MATUWID HINIKAYAT MALACA MGA PANGULONG NOYNOY AQUINO PULSE ASIA VALTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with