Magpupuslit ng iligal na paputok babantayan - NPD
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Mahigpit na babantayan ngayon ng Northern Police District ang pagpupuslit ng mga iligal na paputok partikular ang mga nanggagaling sa Bulacan.

Sinabi ni NPD Spokesperson, Chief Insp. Concepcion Salas na naglatag na ang NPD at ang apat na nasasakupan nilang Police stations ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ng mga checkpoints sa mga istratehikong lugar.

“As of now we are now focused on law enforcement operations on RA 7183 known as Illegal Manufacturing and Sales of Fireacrackers and Pyrotechnics through inspections and checkpoints,” ani Salas.

Partikular na magsasagawa ng mga checkpoints ang Valenzuela at Caloocan City Police sa MacArthur Highway na daanan ng mga namamakyaw ng paputok sa Bulacan.

Nagpaskil na rin uma­no ang NPD ng mga poster sa kampanya sa “Iwas Paputok” at “Iwas Disgrasya” at inilagay rin sa LED Billboards sa Monumento Circle.

Umaasa rin ang NPD na kikilos ang kanilang mga force multipliers sa mga barangay na siya umanong dapat nangu­nguna rin sa pagsaway sa mga residente nilang pasaway habang naka-standby ang puwersa ng pulisya sa anumang malalaking insidente ng karahasan.

ACIRC ANG BULACAN CALOOCAN CITY POLICE CHIEF INSP CONCEPCION SALAS ILLEGAL MANUFACTURING AND SALES OF FIREACRACKERS AND PYROTECHNICS IWAS DISGRASYA IWAS PAPUTOK MGA MONUMENTO CIRCLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with