^

Bansa

Isang Pinay ang biktima ng rape kada 53 minuto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinatag ng anak ni Manila Mayor Joseph Estrada ang isang organisasyon para sa mga kababaihan matapos maalarma sa ulat na isang babae ang nagiging biktima ng panggagahasa kada 53 minuto.

Una nang nalantad kay Jerika Ejercito ang karanasan at pagdurusa ng maraming kababaihan nang itatag niya ang Be Healed Foundation na tumalakay sa problema ng mental health at depresyon.

Sa ilalim ng Be Healed ay ikinagulat niya ang maraming kaso ng child at marital rape na dalawa sa pangunahing dahilan ng matinding depresyon ng mga babae.

Ayon kay Jerika, tatapusin nila ang paulit-ulit na sitwasyon ng karahasan at pang-aabuso na nagdudulot ng depresyon at maging ng pagpapakamatay ng maraming battered women sa pama­magitan ng pagsiguro na ang mga batas na nagbibigay ng proteksyon at kalinga sa mga kababaihan.

Para sa kanya ay maraming kababaihan ang nananatiling walang sapat na kaalaman tungkol sa kanilang karapatan sang-ayon sa batas at tila marami sa kanila ang naniniwalang normal lang ang pananakit o pambubugbog ng kanilang asawa.

Gayundin, hangad ng bagong grupo ni Jerica na mabigyan ng higit na pang-unawa ang mga tagapagpatupad ng batas hinggil sa pagkakaroon ng women’s desk sa bawat barangay at sapat na pagsasanay sa paghawak ng mga kaso ng pang-aabuso laban sa kababaihan.

ACIRC

ANG

AYON

BE HEALED

BE HEALED FOUNDATION

GAYUNDIN

ITINATAG

JERICA

JERIKA

JERIKA EJERCITO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with