^

Bansa

Walang toll hike sa NLEX, SCTEX, CAVITEX sa Bagong Taon

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang sasalubong na dagdag singil sa toll fee sa mga expressway sa unang linggo ng 2016. ?

Ito ang magandang balita ng Toll Regulatory Board (TRB) sa publiko ngayong Bagong Taon.

Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpuz, nasa proseso pa ang tatlong petition na humihi­ling ng dagdag-singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX); Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Cavite Expressway (CAVITEX).

?“Walang sasalubong sa ating mga kababa­yan, sa ‘ting mga motoristang gumagamit ng expressway ng anu­mang pagtaas sa toll fee sa pagpasok ng Bagong Taon,” ito ang pagtitiyak ni Corpuz.

Nakasaad sa petition na humihingi ng 15-por­syentong adjustment ang NLEX, 55-porsyento ang SCTEX at 25 hanggang 30 porsyento naman ang hirit ng CAVITEX.

 

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

CAVITE EXPRESSWAY

CORPUZ

JULIUS CORPUZ

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SUBIC-CLARK-TARLAC EXPRESSWAY

TOLL REGULATORY BOARD

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with