DQ laban kay Poe wa epek: Anak ni Da King una pa rin sa survey
(Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sa kabila ng desisyon ng dalawang divisions ng Commission on Elections na idis­kwalipika si Senator Grace Poe sa 2016 presidential election, nanguna pa rin ang anak ni Da King sa pinakahuling survey na isinagawa ng The Standard Poll nitong December 4-12.

Ang survey na isinagawa ng kilalang veteran pollster Junie Laylo ay may kabuuang 1,500 respondents – pawang mga re­histradong botante na may biometrics at sinigurong sila ay boboto sa halalan sa sunod na taon. Ang respondents ay nagmula sa 76 lalawigan at 17 siyudad sa National Capital Region.

Isinagawa ang survey makaraang ilabas ang desisyon ng First at Second Division ng Come­lec na nagdidiskwalipika kay Poe sa 2016 presidential race dahil sa isyu ng kanyang citizenship at residency, gayundin ng pagmumura ni Mayor Rodrigo Duterte kay Pope Francis at pag-amin ng alkalde sa pagpatay ng tatlong kriminal sa Davao City.

Sa survey, si Poe ay uma­rangkada ng 28 percent lead matapos paboran ng respondents kung idaraos ang eleksyon ngayon.

ACIRC ANG DA KING DAVAO CITY JUNIE LAYLO MAYOR RODRIGO DUTERTE NATIONAL CAPITAL REGION POPE FRANCIS SECOND DIVISION SENATOR GRACE POE STANDARD POLL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with