Si Miriam ang presidente ko – Marcos
(Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2015 - 8:50pm

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos ang mga ulat na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kaniyang iboboto sa eleksyon 2016, sa kabila ng kanilang tambalan ni Sen.  Miriam Defensor-Santiago.

”Of course not, I will vote for my president; Sen. Miriam is my president,” wika ni Marcos sa “Kapihan sa Manila Hotel.”

Nauna nang inamin ni Marcos na sinubukan niyang hingin ang endorsement at suporta ni Duterte, ngunit nagbago ito nang magdesisyon ang Davao City mayor na tumakbo sa pagkapangulo.

Ilang araw ang lumipas ay inihayag ni Duterte na si Sen.  Alan Peter Cayetano ang makakasama niya.

Bukod kay Duterte ay idinidikit din ang pangalan ni Marcos kay Bise Presidente Jejomar Binay na tatakbo rin bilang pangulo sa 2016.

Samantala, naidikit din ang pangalan ni Marcos kay dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada,  na nagpahayag na tatakbong pangulo kung madiskwalipika sina Sen. Grace  Poe at Binay.

Sinabi ni Estrada na nais niyang maging bise presidente si Marcos.

 

ACIRC ALAN PETER CAYETANO ANG BINAY BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY DAVAO CITY DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE DUTERTE MANILA HOTEL MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with