^

Bansa

Top government officials sinibak sa P54M PDAF scam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinibak sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman ang 12 matataas na opis­yal ng National Livelihood Development Corporation (NLDC), Technology Resource Center (TRC) kasama na ang nabuwag na National Agribusiness Corporation (NABCOR) dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng  Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) ni dating Benguet Rep. Samuel Dangwa na may halagang P54 milyon.

Sa 58 pahinang desis­yon, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na napatunayang nagkasala sa kasong Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sina Gondelina Amata, Chita Jalandoni, Emmanuel Alexis Sevidal, Ofelia Ordoñez, Filipina Rodriguez at Sofia Cruz pawang mula sa  NLDC; TRC’s Dennis Cunanan, Marivic Jover, Consuelo Lilian Espiritu at Belina Concepcion; gayundin sina Victor Cacal at Romulo Relevo ng NABCOR.

Sa rekord, mula 2007 hanggang  2009, si Dang­wa ay tumanggap ng P54 milyong PDAF na idinaan sa pekeng NGO ni Janet Lim Napoles at NLDC, NABCOR at TRC  bilang mga  implementing agencies ng proyekto. Ang pondo ay laan sa pagbili ng livelihood at agricultural assistance kits at packages.

Upang maipatupad ang proyekto, sina Amata ang nagproseso at nag-apruba ng transaksiyon at bayarin sa bogus projects.

Sa Special Audit Report ng  Commission on Audit, ang agricultural at livelihood assistance kits/packages ay hindi naibigay sa sinasabing mga beneficiaries ng proyekto dahil non-existent ang NGO at napeke ang mga dokumento para sa  liquidation; ang sinasabing NGO ni Napoles ay kulang sa track record at walang kapasidad na maipatupad ang proyekto, walang naganap na public bidding o accreditation process  at nananiling unliquidated ang P11 milyong PDAF ni Dangwa.

ACIRC

ANG

ASSISTANCE FUND

BELINA CONCEPCION

BENGUET REP

BEST INTEREST OF THE SERVICE

CHITA JALANDONI

CONDUCT PREJUDICIAL

CONSUELO LILIAN ESPIRITU

DENNIS CUNANAN

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user