^

Bansa

Pagdukot ng ISIS sa 4 OFWs itinanggi ng Malakanyang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malacañang ang napaulat na pagdukot umano sa 4 na Filipino workers ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang katotohanan ang napaulat na 4 na OFW’s sa Syria ang dinukot umano ng mga miyembro ng ISIS.

Ayon kay Sec. Lacierda, kinumpirma mismo sa kanya ni Charge’d d’ affairs Nestor Padalhin sa Syria na walang katotohanan ang nasabing ulat bagkus ay may hinuli lamang na mga Pinoys dahil sa expired nilang permits.

“According to Ambassador Padalhin in Syria, report of ISIS abduction is not true. But there are Filipinos apprehended because of expired Lqamas (permits) and the embassy and the legal counsel are assisting them to sort out the matter,” paglilinaw pa ni Lacierda.

Wika pa ng Malacañang, patuloy ang isina­gawang repatriation program ng pamahalaan para sa mga OFW’s na nasa Syria dahil sa patuloy na kaguluhan doon. 

ACIRC

AMBASSADOR PADALHIN

ANG

ATILDE

AYON

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

ITINANGGI

LACIERDA

MALACA

NESTOR PADALHIN

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with