DepEd nagbabala sa pekeng ‘Luistro’
DepEd nagbabala sa pekeng ‘Luistro’
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko laban sa isang nagpapakilala bilang si Education Secretary Armin Luistro at nanghihingi ng donasyon para sa mga proyekto ng departamento.

Nakatanggap ng ulat ang DepEd mula sa limang field offices nito na nagsasabing isang lalaking nagpapakilalang si Luistro ang tumatawag sa mga DepEd field personnel nito at humihingi ng detalye ng kanilang mga education partners at contractors para makapag-solicit ng salapi sa mga ito.

Gamit ng impostor ang mga numerong 0977-797-6819 at 0977-797-6818 sa pagtawag.

Umapela ang DepEd sa publiko na sakaling makatanggap ng tawag mula sa mga naturang numero na may kahalintulad na modus operandi, na kaagad isuplong sa kanilang action center sa mga numerong 636-1663 at 633-1942 para sa karampatang aksyon.

ANG DEPARTMENT OF EDUCATION DEPED EDUCATION EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO GAMIT LUISTRO MGA NAGBABALA NAKATANGGAP UMAPELA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with