ExpressPay ipapatupad ang ‘5 Piso kada Bill Promo’
(Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nais magbigay ng regalo ang kumpanyang ExpressPay sa kanilang mga parukyano kung kaya’t ipapatupad nila ang ‘Balik P5 kada Bill Promo.

Ang pagbabayad ng bill ay bahagi na ng mga pang-araw-araw na gawain ng isang tahanan na tila walang katapusan kung saan tatlo hanggang anim ang inaabot na bayarin ng isang bahay.

Dahil dito, nais ng ExpressPay na mapagaan ang pagbabayad ng bills ng kanilang mga customer kaya’t ngayong Disyembre kanilang ilulunsad ang kanilang pinakabagong promo na ‘Balik P5 Kada Bill’ kung saan ang kanilang mga tagatangkilik ay pagkakalooban ng 5 pisong voucher sa kada bills payment.

“Balik P5 Kada Bill is our own way of giving back to our customers, for their continued trust and support, and to our communities to make bills payment a bit lighter for them,” paliwanag pa ni ExpressPay Marketing Director David Mascenon.

Ang sinumang magbabayad ng kanilang mga bills sa ExpressPay ay makakatanggap ng P5 voucher para sa bawat bill na kanilang binayaran simula Disyembre 1, 2015 at sa loob ng isang taon ay maaari nilang gamitin ito sa anumang ExpressPay’s services, tulad ng pag-load sa cellphone, money transfer, courier service at pwede rin itong gamitin sa susunod na kanilang mga bayarin at ibawas sa kanilang bills payment.

Ang promo ay magsisimula sa Disyembre 1, 2015 at magtatapos sa Peb. 29, 2016.

ACIRC ANG BALIK BILL PROMO DAHIL DISYEMBRE KADA BILL KANILANG MARKETING DIRECTOR DAVID MASCENON MGA PEB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with