2 bagong fighter jets ilalagay sa Zambales, Palawan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nakatakdang ilagay sa Zambales at Palawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang paparating na bagong bi­ling FA-50 fighter jets mula sa South Korea.

Ito’y sa gitna na rin ng tensiyon sa tumitinding kapangahasan ng China sa pang-aagaw ng teritoryo sa Scarborough Shoal na malapit sa Masinloc, Zambales sa Central Luzon at Spratly Islands malapit naman sa Palawan.

Sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang isa sa fighter jets na darating sa bansa sa Sabado galing South Korea ay magbi-base sa Basa Air Base sa Pampanga at Subic, Zambales habang ang isa ay sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang Basa Air Base at Subic ang pinakamalapit na pasilidad ng militar sa Scarborough Shoal na inaangkin din ng China.

Ang dalawang squadron ng FA-50s ay nabili sa halagang P18.3 bilyon.

Tatlong piloto ng Philippine Air Force (PAF) ang nagsanay sa South Korea ng ilang buwan para pag-aralan ang pagpapalipad sa mga bagong fighter jets.

ANG ANG BASA AIR BASE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES BASA AIR BASE CENTRAL LUZON DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN PALAWAN PHILIPPINE AIR FORCE SCARBOROUGH SHOAL SOUTH KOREA ZAMBALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with