Bagyong papasok sa PAR lumakas pa
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na In-Fa na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR). Tatawagin itong “Marilyn” na magiging ika-13 bagyo sa Pilipinas sa taong ito kapag tuluyang pumasok sa bansa. Huling namataan ang bagyo sa layong 1,280 km silangan ng Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kph at may pagbugsong 210 kph. Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph. Ngayong Lunes ng umaga, inaasahang nasa loob na ng PAR ang bagyo.

ANG BAGYO CATANDUANES HULING IN-FA KPH KUMIKILOS NGAYONG LUNES PILIPINAS TAGLAY TATAWAGIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with