Turismo lilikha ng trabaho sa pamamagitan ng mga livelihood
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senatorial candidate Mark Lapid na lilikha ng maraming trabaho at tutugon sa unemployment problem ng bansa ang turismo sa pamamagitan ng mga livelihood program.

Ang pagbibigay ng pansin sa turismo sa bansa ay higit anyang makapagbibigay ng oportunidad para makalikha at makapagbago sa buhay ng mahigit 10 milyong mamamayan na itinuturing ang kanilang sarili na pawang walang trabaho.

Magugunitang sa pinakahuling SWS survey luma­labas na tumaas pa rin ang bilang ng mga Filipino ang walang trabaho.

Tiniyak ni Lapid na, sa sandaling mahalal siyang senador, agad siyang babalangkas ng mga batas na nakatuon lamang sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa gayundin ang iba pang mga social services upang higit na umunlad ang isang Filipino para sa isang mayabong na kumpetisyon.

ACIRC ANG BANSA LAPID MAGUGUNITANG MARK LAPID MGA NANINIWALA TINIYAK TRABAHO TURISMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with