_ngayon
^

Bansa

LRT 6 redi na, Caviteño excited

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinihintay ng may pananabik ng mga Caviteño ang pagsisimula ng konstruksyon ng Light Railway Transit 6 at inaasahang lalo pang sisigla ang komersiyo sa 12 economic zones sa probinsiya ng Cavite kapag natuloy ang proyekto. Ikokonekta ang LRT line 6 sa LRT 1 mula Baclaran hanggang sa Bacoor, Cavite.

Sa naging pagdinig sa Senado noong Lunes, nagisa ang mga opisyal ng Department of Transportation of Communications (DOTC) dahil sa mga problema ng MRT at LRT railway lines, gayundin ang delay sa expansion projects nito. Sa pagdinig ay hayagang hiningi ni Sen. Grace Poe ang pagbibitiw ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya.

Gayunman, kumpiyansa ang maraming residente ng Lancaster New City, ang pinakamalaking township project ng Property Company of Friends, Inc. (Pro-Friends) sa halos 1,600 ektarya ng Kawit, Imus at General Trias, na matutuloy ang Baclaran-Cavite LRT project.

“Magkakatabi lang ang Bacoor, Imus, Kawit at General Trias kaya okay na okay sa amin yan. Hindi na dapat ma-delay pa ang LRT-6,” ani Michael Asuncion, 35, engineer.

Ang Imus ang capital city ng Cavite, habang ang Kawit na isang first class municipality ay kilala sa historical attractions nito. Ang General Trias ang pinakamalaking economic zone sa probinsiya bilang host ng 117-hectare PEC Industrial Park.

Marami sa mga residente ng Lancaster New City ang nagsisipagtrabaho sa iba’t-ibang commercial at industrial hubs sa Cavite, gayundin sa Metro Manila tulad ng Pasay, Parañaque, Makati at Manila.

Isang industrial park rin ang itinatayo sa mismong loob ng Lancaster na inaasahang magiging host ng call centers at iba pang BPO at industrial companies.

ANG ANG GENERAL TRIAS ANG IMUS ATILDE BACOOR CAVITE DEPARTMENT OF TRANSPORTATION OF COMMUNICATIONS GENERAL TRIAS GRACE POE KAWIT LANCASTER NEW CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with