^

Bansa

B-day wish ni Binay: Buhay ng bawat Pinoy bumuti

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang pag-angat ng buhay ng bawat Pilipino ang “wish” ni Vice President Jejomar Binay sa kanyang ika-73 kaarawan kahapon.

Mas pinili ni Binay na ipagdiwang ang kanyang birthday kasama ang mga mahihirap na residente sa Pasay City.

“Kung gagawa ho ako ng birthday wish, sana ho ay umangat na ang buhay ng bawat Pilipino. Ito ho ang aking isang artikulo, pangunahing artikulo sa aking pamumuno. Noon at ngayon, ‘yan pa rin ho ang aking artikulo, ‘yong maiangat ang buhay ng bawat Pilipino,” ani Binay.

Ayon kay Binay, ang kanyang ina ay dating guro sa Pasay City at lumaki siya sa Libertad.

“Dito ho ako lumaki. Noong mamatay ang nanay ko, namatay ang nanay ko dahil sa kahirapan,” wika ni Binay sa harap ng mga residente sa Pasay.

“‘Yong nakuha naming death benefits niya bilang teacher, ibinili namin ‘yon ng bahay na tinitirhan namin. Ang malungkot na nangyari, mga ilang buwan pagkabili namin, ‘yong bahay nasunog,” kuwento ni Binay.

Sinabi ni Binay na nabago ang kanyang buhay nang mamatay ang kanyang ina at masunog ang kanilang bahay. Matapos ang insidente, dito na siya kinupkop at pinalaki ng kanyang tiyo sa Makati

“‘Pagka nakakita ako ng nasusunugan lalo na ‘yong mga nakikita kong naglilinis… ‘Yong mga coins, tandang-tanda ko pa. ‘Yong tatay ko at tsaka ako, talagang maluha-luha kami ng tatay ko. ‘Yong mga coins na inipon nila, ‘yon ang ginamit naming pambili ng unan, punda, tsaka ‘yong mga gamit sa aming sarili,” pagkukuwento pa ni Binay.

Idinagdag pa ni Binay, ang masakit na karanasan niya ang naging sandigan niya upang magsikap at nang siya ay ma-appoint bilang alkalde ng Makati, ipinangako niya na sa kanyang administrasyon ay walang mamamatay dahil sa sobrang kahirapan.

ACIRC

ANG

AYON

BINAY

KANYANG

MAKATI

MGA

PASAY CITY

PILIPINO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

YONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with