3 dating senador pumanaw ngayong 2015
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Tatlo na sa dating miyembro ng Senado ang pumanaw ngayong 2015 kung saan ang pinakahuli ay si dating Senator Ernesto “Boy” Herrera.

Alas-2 ng hapon noong Huwebes ng bawian ng buhay ang 73-anyos na senador sa Manila Doctors Hospital pero hiniling ng pamilya sa ilang miyembro ng Senate media na nakaalam kaagad ng balita na huwag muna itong isiwalat sa publiko hangga’t hindi naipapaalam sa kanyang asawa na mayroon ring karamdaman.

Bukod kay Herrera, pumanaw din ngayong taon sina dating Senator Agapito “Butz” Aquino nitong Agosto 17 at si Sen. Joker Arroyo noong Oktubre 5.

Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na nakikiisa ang Senado sa pagluluksa sa pagpanaw ni Herrera na isang kilalang union leader.

Karangalan aniya ni Drilon ang makatrabaho si Herrera na may prinsipyo at isang katangi-tanging public servant.

AGOSTO AQUINO BUKOD BUTZ DRILON HERRERA JOKER ARROYO MANILA DOCTORS HOSPITAL SENADO SENATOR AGAPITO SENATOR ERNESTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with