^

Bansa

Senatorial slate ng Poe-Escudero tandem sa Lunes ipakikilala

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mismong si presidential aspirant at Sen. Grace Poe ang namili ng mga miyembro ng kanilang senatorial lineup para sa 2016, ayon sa running mate niyang si Sen. Francis “Chiz” Escudero ngayong Biyernes.

Nakatakdang ipakilala sa Lunes nina Poe at Escudero ang 12 senatorial aspirants na makakasama nilang tumakbo sa eleksyon.

"She’s the one who talked with them. I will leave it to her to announce who are the 12 candidates that will be included in the lineup," pahayag ni Escudero.

Ngayong linggo dapat ipakikilala ng dalawa ang kanilang senatorial slate ngunit ipinagpaliban nila ito dahil sa bagyong “Lando.”

Samantala, iginiit ni Escudero na kwalipikado si Poe tumakbo bilang pangulo sa kabila ng mga disqualification case na isinampa laban sa kaniya.

"It is now the obligation of Senator Poe’s critics to prove that she is not qualified to run as president," ani ng senador.

Mula nang maghain ng certificate of candidacy ay tatlong katao na ang nais ipabasura ang kandidatura ni Poe dahil sa hindi pagiging natural-born citizen at kakulangan na makumpleto ang 10-year residency.

ACIRC

ANG

BIYERNES

CHIZ

GRACE POE

LANDO

MISMONG

MULA

NAKATAKDANG

NGAYONG

SENATOR POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with