Kumpirmado: Robredo tatakbong VP ni Mar sa 2016
(Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2015 - 8:48pm

MANILA, Philippines – Pormal nang ipinakilala ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas si Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang kaniyang running mate para sa nalalapit na eleksyon 2016.

Emosyonal na ipinakilala ni Roxas ngayong Lunes sa Club Filpino sa Greenhills, San Juan ang may bahay ng namayapa nang dating Interior Sec. Jesse Robredo.

“Kailangan ka ng daang matuwid, kailangan ka ng ating mga boss, kailangan ka naming lahat upang pag isahin ang mga reporma at magsiguro na maipagpapatuloy ito,” wika ni Roxas kay Robredo. “Kaming lahat ay nasa likod mo.”

Ilang buwan ding sinuyo ng LP si Robredo upang tumakbong bise presidente matapos tanggihan ni Sen. Grace Poe ang alok ni Roxas.

Pinasalamatan din ni Roxas ang dalawang babaeng anak ni Robredo sa pagpayag na tumakbo ang kanilang ina sa mas mataas na posisyon.

Makakalaban ni Robredo sina Sen. Francis Escudero, Sen. Antonio Trillanes at Sen. Alan Peter Cayetano.

 

ALAN PETER CAYETANO ANTONIO TRILLANES CAMARINES SUR REP CLUB FILPINO FRANCIS ESCUDERO GRACE POE INTERIOR SEC JESSE ROBREDO LENI ROBREDO ROBREDO ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with