Sen. Marcos magdedeklara sa tamang panahon
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Ipinahiwatig kahapon ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ihahayag niya  ang plano sa eleksiyon  tamang panahon.

Dumalo kahapon si Marcos sa pagtitipon ng National Unity Party kung saan dumalo rin si Vice President Jejomar Binay at ibang pulitiko.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos malapit na siyang magbigay ng anunsiyo pero ayaw niyang pangunahan ang diskusyon ng iba’t- ibang grupo.

“Malapit na (announcement), it will be out very, very soon. But I don’t want to preempt ang diskusyon sa iba’t ibang grupo at lalo na  sa aking sariling partido, ang Nacionalista Party,” ani Marcos.

Nagsasagawa pa aniya ng mga “finishing touches” para sa plano sa eleksiyon sa susunod na taon.

“So, we are still putting the finishing touches on our planned involvement in the 2016,” ani Marcos.

Nang tanungin kung presidente o bise presidente ang tatakbuhan, muli nitong iniulit  na ihahayag niya ito sa tamang panahon.

“No preference, one way the other for now.  Sabihin na lang natin we are studying both options,” ani Marcos.

ACIRC BONGBONG BUT I DUMALO IPINAHIWATIG MALAPIT MARCOS JR. NACIONALISTA PARTY NATIONAL UNITY PARTY SENATOR FERDINAND VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with