No hospital arrest sa Reyes brothers - Palasyo
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malaca­ñang na  hindi mabibigyan ng hospital arrest ang magkapatid na sina da­ting Palawan Governor Joel Reyes dating  Coron Mayor Mario Reyes na kasalukuyang nakapiit sa Palawan.

Ang paniniyak ay ginawa ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte kung saan sinabi nito na naniniwala silang magiging matibay ang paninindigan ng Department of Justice sa pagkontra sa napaulat na hospital arrest na posibleng ihirit ng Reyes brothers.

Bagaman at dapat hayaan sa korte ang pagpapasya, siguradong hindi papayagan ni Justice Secretary Leila de Lima ang hiling ng  Reyes brothers.

“Tingin ko magiging matibay o… Secretary (Leila) de Lima will have a strong position on that and hayaan na lang po nating mag-decide ang ating Justice department, lalo na ho Palawan RTC (regional trial court) ang may jurisdiction na po doon sa magkapatid na Reyes,” ani Valte.

Kailangang nasa kulungan ang  dalawa  lalo  pa’t murder ang kaso ng  magkapatid na kinakaharap  sa  bansa.

Maraming isyu na dapat na bigyang linaw ng magkapatid na Reyes matapos ang krimen at pagtatago nila sa Thailand.

Sinabi ni Valte na magko-komento sa sinasasabing hospital arrest ang prosekusyon lalo pa’t buhay turista naman ang magkapatid noong sila ay nasa Thailand na kapwa nahaharap sa kasong pagpatay sa environmentalist na si Gerry Ortega.

Matatandaan na baga­man at nakatakas palabas ng bansa, nahuli naman ang Reyes brothers sa Thailand.

ABIGAIL VALTE ACIRC ANG CORON MAYOR MARIO REYES DEPARTMENT OF JUSTICE GERRY ORTEGA JUSTICE SECRETARY LEILA NBSP PALAWAN PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with