Writ of Amparo sa mga militante aprub sa SC
MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Korte Suprema ang Writ of Amparo na hiniling ng ilang militanteng grupo na umano’y tinitiktikan ng mga sundalo.
Kasabay nito, inatasan din ng Korte Suprema ang Court of Appeals na magsagawa ng pagdinig sa merito ng kaso at kung nararapat bang magpalabas ng Temporary Protection Order.
Ang mga petitioner na pinangunguhan ni Dr. Darby Santiago ay pawang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno, Health Alliance for Democracy, Migrante International, National Union of Students of the Philippines at Kabataan Party List.
- Latest