Arroyo humirit ng 4-oras na furlough
(Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2015 - 3:13am

MANILA, Philippines — Muling humiling si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng apat na oras na furlough upang dumalo sa ika-40 araw na pagkamatay ng kaniyang kapatid.

Sa tatlong-pahinang petisyon ni Arroyo ay hiniling niyang makalabas siya mula sa kaniyang kulungan sa Veteran’s Memorial Medical Center sa Setyembre 19 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

"President Arroyo respectfully seeks the permission of the Honorable Court to attend the 40th day Mass, the inurnment and the post-inurnment prayers for her late brother," nakasaad sa kahilingan niya.

Bukod sa kagustuhang makadalo sa misa, nais din ni Arroyo na makadalo sa paglalagay ng abo ng kapatid niyang si Arturo Macapagal sa Heritage Memorial Park sa lungsod ng Taguig.

Nitong Agosto 13 ay pinayagan ng Fifth Division ng Sandiganbayan na makalabas si Arroyo upang pumunta sa burol ng kapatid na nasawi noong Agosto 11 dahil sa sakit na prostate cancer.

Naka-hospital arrest si Arroyo mula pa noong 2012 dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng P366-milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

AGOSTO ARTURO MACAPAGAL FIFTH DIVISION GLORIA MACAPAGAL-ARROYO HERITAGE MEMORIAL PARK HONORABLE COURT MEMORIAL MEDICAL CENTER NITONG AGOSTO PAMPANGA REP PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE PRESIDENT ARROYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with