^

Bansa

Customs ibabalik ang P6K tax ng boksingera para sa championship belt

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos kumalat sa internet ang pagpataw ng buwis sa championship ng isang boksingera, nakatakdang ibalik ng Bureau of Customs ang ibinayad ni Jujeath "Badgirl" Nagaowa.

Sa isang panayam ni Philippine STAR columnist Boo Chanco, sinabi ni Lina na ibabalik nila kay Nagaowa ang kaniyang ibinayad na P6,000 matapos itong buwisan ng isang tauhan ng Customs.

Nanaig si Nagaowa sa Women's International Boxing Association light flyweight kontra kay Chinese boxer Lou Yu Jie noong Hunyo 6 sa Macau.

Dahil hindi pa tapos magawa ang championship belt, ipinadala na lamang ito kay Nagaowa sa Pilipinas ngunit laking gulat niya na kailangan niyang magbayad ng buwis upang makuha ito.

Sa kainitan ng isyu sa manu-manong pagbubukas ng Customs sa mga balikbayan box, kumalat ang Facebook post ng boksingera.

Sinabi ni Lina na hindi dapat ito binuwisan dahil ito ay napanalunan ng atleta.

 

BADGIRL

BOO CHANCO

BUREAU OF CUSTOMS

DAHIL

FACEBOOK

HUNYO

INTERNATIONAL BOXING ASSOCIATION

JUJEATH

LOU YU JIE

MACAU

NAGAOWA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with