^

Online scams nangunguna sa PNP cybercrimes

(Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2015 - 1:07am

MANILA, Philippines – Umabot na sa halos 400 kaso ng online scam ang natanggap ng Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), kung saan ito ang nangunguna sa mga inrereklamo.

Mula 2013 hanggang 2015 ay nasa 366 reklamo na ng online scam ang idinulog sa PNP-ACG, habang 240 kaso naman ng online libel ang nasa ikalawang pwesto.

Nasa ikatlong pwesto naman ang online threats na may 129 kaso, habang 127 reklamo naman ng identity theft at 89 kaso ng anti-photo at video voyeurism ang nasa ikaapat at panlima.

Mula 2013 ay umabot na sa 1,211 cybercrime complaints na ang natatanggap ng PNP-ACG

Inabisuhan ng PNP-ACG ang publiko na idulog sa kanila ang mga reklamong may kinalaman sa mundo ng internet upang maaksyunan.

 

ACG ANG ANTI-CYBERCRIME GROUP INABISUHAN KASO MULA NASA ONLINE PHILIPPINE NATIONAL POLICE PNP UMABOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with