CGMA dumalo sa libing ng kapatid
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Dumalo si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa libing na kaniyang kapatid na si Arturo Macapagal sa The Heritage Park, Taguig kahapon.

Ito’y matapos pumayag ang Sandiganbayan sa ika-lima at huling pagkakataon na lumabas ng Vete­rans Memorial Medical Center (VMMC) si Arroyo.

Mula alas-10:00 hanggang alas-2:00 lamang nanatili ang dating pangulo sa libing ng kapatid.

Bagama’t hindi mahigpit ang seguridad ng convoy ng dating pangulo, hindi na pinapasok ang media sa loob ng Heritage Park.

Balik-hospital arrest din si Arroyo pagkatapos ng libing.

ACIRC ARTURO MACAPAGAL BAGAMA BALIK DUMALO GLORIA MACAPAGAL-ARROYO HERITAGE PARK ITO MEMORIAL MEDICAL CENTER MULA SANDIGANBAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with