^

Bansa

Preliminary probe vs Villanueva, ex-DA Sec. Yap sa ‘pork’ aprub

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Ombudsman ang rekomendasyon ng Field Investigation Office (FIO) ng ahensiya na isailalim na sa preliminary investigation at administrative adjudication proceedings sina TESDA director at dating CIBAC party-list Rep. Emmanuel Joel Villa­nueva, dating Agriculture Secretary Arthur Yap at siyam na iba pa kaugnay ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na may halagang P10 milyon.

Sina Villanueva at Yap ay bubusisiin sa kasong Malversation, Falsification of Public Documents at paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act.

Nahaharap din sila sa administrative charges dahil sa Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Sa nakalap na dokumento ng FIO investigators ng Ombudsman, noong June 10, 2008 ang Department of Budget and Management ay nagpalabas ng dalawang Special Allotment Release Orders na may halagang P10 milyon bilang bahagi ng PDAF ni Villanueva para pondohan ang agri-based livelihood project para mamigay ng seedlings tulad ng pechay, radish, sitaw, okra at yellow corn seedlings, liquid fertilizers at post-harvest facility (thresher).

Dalawang araw makaraan nito, sinulatan ni Villanueva si Yap na humihiling na mailipat ang naturang pondo sa National Agribusiness Corporation (NABCOR) bilang implementing agency ng naturang proyekto.

Isang kasunduan ang nilagdaan ng DA at NABCOR para maipatupad ang proyekto habang nakipagkasundo ang NABCOR sa AFPI bilang pro­ject implementer.

Nadiskubre ng Ombudsman Investigators na ang NABCOR ay hindi kinilalang implementing agency para sa PDAF projects at ang AFPI na may capital stock contribution lamang na P68,000.00 ay sinasabing walang kapasidad na ipatupad ang proyekto.

Sinabi din ng Commission on Audit, na ang supplier ng farm inputs at farm implement ay hindi isang licensed ferti­lizer distributor at walang kasaluku­yang business name regis­tration at hindi rin makita ng mga imbestigador ang opisina ng kumpanya na nakalagay sa address nito na Malabon City.

ACIRC

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

ANG

BEST INTEREST OF THE SERVICE

CONDUCT PREJUDICIAL

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

EMMANUEL JOEL VILLA

FALSIFICATION OF PUBLIC DOCUMENTS

FIELD INVESTIGATION OFFICE

GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

GRAVE MISCONDUCT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with