^

Bansa

Utos sa AFP, PNP PAGs lipulin na! - PNoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinalilipol na ni Pangulong Aquino ang mga Private Armed Groups (PAGs) upang hindi makasagabal sa mapayapa at matiwasay na pagdaraos ng May 2016 national elections.

Sinabi ni DILG Sec. Mar Roxas na ipinatawag sila ni Defense Secretary Voltaire Gazmin gayundin sina AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri at PNP Chief Director General Ricardo Marquez kung saan ibinaba ni PNoy ang direktiba.

Nabatid na maraming mga PAGs ang namamayagpag sa Mindanao Region na bukod sa paglikida sa mga kalabang kandidato ay naghahasik rin ng kaguluhan sa mga polling precint sa tuwing sasapit ang eleksyon tulad ng pang-aagaw ng mga balota at pagpapaulan ng bala at maging sa pananakot sa mga gurong gumaganap na Board of Election Inspectors (BEI).

Noong Nobyembre 23, 2009 ay nasa 58 katao kabilang ang 32 mediamen ang minasaker sa Ampatuan,  Maguindanao ng mga PAGs ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan na natukoy na may kinalaman sa pulitika noong May 2010 national elections.

AMPATUAN

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

CHIEF OF STAFF GEN

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

HERNANDO IRIBERRI

MAR ROXAS

MGA

MINDANAO REGION

NOONG NOBYEMBRE

PANGULONG AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with