^

MILF kay Cayetano: ‘Magka-kape lang tayo’

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - “Aalukin lang namin siya ng kape, di kill plot’

Ito ang reaksyon kahapon ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ibinulgar ni Senador Alan Peter Caye­tano hinggil sa umano’y ‘death threat’ na kaniyang natanggap sa nasabing grupo ng mga rebeldeng Muslim.

Sa isang radio interview, itinanggi ni MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar na plano nilang ilikida si Cayetano.

“It’s not true, we are not going to kill him, hindi po namin gawain yan, iimbitahan na lamang namin siya for a cup of coffee,” pahayag ni Jaafar na sinabi pang espekulasyon lamang ito ng Senador.

Si Cayetano ang isa sa mga Senador na pangunahing tumututol sa ilang probisyon ng kontrober­syal na Bangsamoro Basic Law (BBL) matapos imasaker ng MILF fighters ang Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Kasabay nito, mu­ling inalok ni Jaafar si Cayetano na magtungo sa kanilang balwarte sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Jaafar na pakay ng kanilang imbitasyon ay mapag-usapan ang iba‘t ibang isyu at mga kinakailangan pang gawin na makakatulong sa mi­nimithing kapayapaan sa lupaing tinubuan ng mga Moro sa pamamagitan ng BBL.

Ayon sa MILF official, kapeng pamugon, isang uri ng  masarap na katutubong kape ang kanilang ihahain kay Cayetano.

Binigyang diin nito na mas makabubu­ting mapag-usapan ang anu­mang isyu kaysa magbatuhan ng maaanghang na akusasyon sa media.

Dagdag pa nito na hindi gawain ng mabubuting Moro ang magbanta lalo na sa mga halal na opisyal ng gobyerno na binibigyan nila ng kaukulang respeto.

BANGSAMORO BASIC LAW CAMP DARAPANAN CAYETANO JAAFAR MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT POLITICAL AFFAIRS GHADZALI JAAFAR SENADOR SENADOR ALAN PETER CAYE SI CAYETANO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with