^

Bansa

MILF report sa Mamasapano insulto sa SAF

Joy Cantos at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa umanong mala­king kasinungalingan at insulto sa mga bayaning 44 fallen Special Action Force (SAF) commandos ang paghuhugas kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ginawang pananggalang ng elite forces ang mga nasawi  nilang kasamahan kaya natadtad ng mga tama ng bala sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao noong Ene­ro 25.

Reaksyon ito ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa isinumiteng report ng MILF kahapon sa Senado.

Giit ng MILF, walang pananagutan ang kanilang Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) sa pagkamatay ng 44 PNP-SAF, 17 nilang miyembro at ilan bang sibilyan.

Sa 35-pahinang report na isinumite sa tanggapan ni Sen. Bongbong Marcos, sinisi pa ng MILF ang puwersa ng gobyerno lalo na ang SAF dahil hindi nakipag-coordinate sa kanila tungkol sa misyon para hulihin ang mga te­roristang sina Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

Batay sa report, hindi alam ng pwersa ng MILF na pwersa ng gobyerno ang pumasok sa kanilang lugar. Ang buong akala umano nito, mga kaaway ang pumunta roon.

Giit din ng MILF, ang SAF ang unang nagpapu­tok at gumanti lang sila.

Inirereklamo rin ng MILF ang umano’y pag­labag sa umiiral na guidelines ng ceasefire agreement sa pagitan ng Government Peace Panel at MILF.

Dapat pa umanong maghain ng protesta ang MILF dahil nilabag ng PNP-SAF ang ceasefire agreement sa pagitan ng government peace panel at MILF.

Nanawagan pa ito ng imbestigasyon kaugnay ng pananagutan ng isang SAF commando na pumatay umano ng apat na miyembro ng MILF na natutulog.

Kaugnay naman ng mga armas at personal na gamit ng SAF, naibalik na umano ng MILF ang lahat ng dapat ibalik at hindi lang sila ang kumuha sa kagamitan ng SAF.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES

BASIT USMAN

BONGBONG MARCOS

GIIT

GOVERNMENT PEACE PANEL

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with