^

PNoy bagsak ang ratings

Rudy Andal at Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bumagsak ang trust approval at trust rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Mula sa 59 percent approval rating ni Pangulong Aquino noong November 2014 ay bumagsak na lamang ito sa 38 percent nitong Marso sa isinagawang survey ng Pulse Asia matapos ang madugong Mamasapano incident kung saan ay nasawi ang 44 members ng Special Action Force.

Maging ang trust ra­ting ni PNoy ay bumagsak sa 36 percent na lamang mula sa 56 percent noong nakaraang taon.

Isinagawa ng Pulse Asia ang survey sa 1,200 respondents mula Marso 1-7, matapos ang Mamasapano incident noong Enero 25.

Umaasa naman ang Palasyo na muling maka­kabangon sa ratings si Pangulong Aquino at hindi ito ang unang pagkakataon na bumaba ang ratings ng Pangulo.

Maging ang kaalyado ng Pangulo sa Senado na si Sen. Chiz Escudero ay naniniwala na tuluy-tuloy na ang pagbagsak ng ra­tings ni PNoy hangga’t hindi nito nabibigyan ng hustisya ang SAF 44 at makamit ang ka­payapaan sa Mindanao.

Pero para kay Rep. Edgar Erice, makakabawi pa din ang Pangulo sa ratings nito at huhupa na din ang usapin sa Mamasapano.

CHIZ ESCUDERO EDGAR ERICE MAMASAPANO MARSO PANGULO PANGULONG AQUINO PANGULONG BENIGNO AQUINO PULSE ASIA SPECIAL ACTION FORCE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with