^

Bansa

Pagdurugo ni Jolo huminto na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa maayos nang kalagayan ngayon si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla makaraang ihayag ng ina niyang si Rep. Lani Mercado-Revilla na tumigil na ang pagdurugo sa loob ng katawan ng anak.

Sinabi ni Mercado na natanggal na rin ang tubo na ikinabit sa dibdib nito para makatulong sa paghinga at naisara na rin ang sugat na sanhi ng bala.

Ngunit iginiit nito na hindi pa rin sila nagpapaka-kampante dahil sa 24 oras pa rin ang obserbasyon sa kalagayan ng bise-gobernador upang mabatid kung walang kumplikasyon sa pagtanggal sa tubo sa dibdib nito.

Meron na lamang umanong maliit na bahagi na may “area of pneumothorax” sa kaliwang baga habang clear naman ang kanang bahagi ng baga ng pasyente.

Matatandaan na Pebrero 28 nang aksidente umanong maiputok ni Revilla ang nililinis na kalibre .40 Glock pistol sa kanilang bahay sa Ayala Alabang. Agad na isinugod si Revilla sa Asian Hospital kung saan na­ging kritikal ang kalagayan nito.

 

ASIAN HOSPITAL

AYALA ALABANG

CAVITE VICE-GOVERNOR JOLO REVILLA

GLOCK

LANI MERCADO-REVILLA

MATATANDAAN

MERCADO

MERON

REVILLA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with