PNoy, may pananagutan sa Oplan Exodus - law expert
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – May pananagutan si Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa Oplan Exodus, ayon sa isang law expert.

Ayon kay San Beda School of Law Dean Fr. Ranhilio Aquino, makikitang alam ng Pangulong Aquino ang sitwasyon batay na rin sa kopya ng video ng unang pagharap ng sinibak na si Special Action Force (SAF) chief Getulio Napeñas sa mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa madugong engkwentro noong Enero 25. Dito inamin ni Napeñas na na-brief niya si PNoy sa pangyayari.
Maliwanag aniya na nabigyan ng  impormasyon si Pangulong Aquino at alam nito ang nangyayari at kung kelan ipaaalam sa  AFP ang  operasyon.

Aniya, hindi mag-uutos si resigned PNP chief Gen. Alan Purisima habang suspendido ito kung wala itong go-signal mula sa Commander-in-Chief.

Hirit ni Aquino, muling pakinggan sa Senado at iba pang investigating bodies ang laman ng naturang video lalo’t maiiba nito ang resulta ng imbestigasyon kung saan sinabi ni PNoy na pawang kasinungalingan lang ang nakuha niyang impormasyon hinggil sa engkwentro sa Mamasapano.

ALAN PURISIMA GETULIO NAPE OPLAN EXODUS PANGULONG AQUINO PANGULONG BENIGNO AQUINO RANHILIO AQUINO SAN BEDA SCHOOL OF LAW DEAN FR SPECIAL ACTION FORCE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with