Barung-barong ni Marwan sinunog
(Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga armadong lalaki ang barung-barong kung saan sinasabing napatay ang tero­ristang si Zulkipli bin Hir alyas Marwan.

Sa ulat ni Sr. Inspector Reggie Abellera, hepe ng Mamasapano Police, naganap ang panununog bago mag-alas-10 ng gabi.

Ayon kay Abellera sa pahayag ng mga testigo, isang grupo ng mga armado ang nagtungo sa lugar, binuhusan ng gaas saka sinilaban ang bahay ni Marwan.

Nagpadala na sila ng isang team ng mga pulis upang iberipika ang panununog bagaman aminadong hindi basta mapapasok ang lugar.

Nangyari ang insi­dente ilang oras matapos bumisita sa lugar ang mga miyembro ng PNP Board of Inquiry (BOI) na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkakapaslang sa SAF 44. (Joy Cantos)

 

ABELLERA AYON BOARD OF INQUIRY JOY CANTOS MAMASAPANO POLICE MARWAN NAGPADALA NANGYARI SR. INSPECTOR REGGIE ABELLERA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with