^

Bansa

Deles, Ferrer ‘di sisibakin ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang plano si Pangulong Aquino na pagbigyan ang panawagan ni Sen. Alan Cayetano na sibakin nito sina peace adviser Teresita Deles at government peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer dahil sa umano’y pagkampi ng mga ito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakalaban ng PNP-SAF noong Enero 25.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ginagampanan ng dalawang opisyal ang kanilang trabaho bilang pangunahing pinuno sa pagsusulong ng kapayapaan sa MILF.

Binabatikos sina Deles at Ferrer dahil sa tila pagkampi sa mga rebelde at pagtayo umanong spokesman ng MILF.

“Malaki ang partisipasyon nila sa malayong narating ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao,” wika ni Coloma.

ALAN CAYETANO

AYON

BINABATIKOS

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

ENERO

MIRIAM CORONEL-FERRER

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG AQUINO

SONNY COLOMA

TERESITA DELES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with