^

Bansa

Fallen 44, pinarangalan ng Quezon City Council

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Que­zon City Council sa pangu­nguna ni Vice Ma­yor Joy Belmonte ang isang resolusyon na nagbibigay parangal sa na­ging dedikasyon at katapangan ng Fallen 44.

Isa sa 44  na nasawing SAF si PO3 Andres Duque Jr. ay taga Quezon City.

Matapos maaprubahan ang resolusyon, naiprisinta ng konseho sa pamamagitan ni Presiding Officer Belmonte  ang commendation kay Melanie Duque, misis ng nasawing si PO3 Duque. Kaakibat ng parangal ay tumanggap din ng financial assistance si Mrs. Duque mula sa QC Council.

 “Hindi man po kalakihan ang tulong na ipinaabot namin sa inyo, maipagmamalaki naman po namin na ito ay galing sa aming mga puso,”ayon kay Belmonte.

Sinabi pa ni Belmonte  sa mga naiwang pamilya ng Fallen 44 na ang QC ay katulong nila sa pag­hahanap ng hustisya sa pagkamatay ng naturang SAF commandos.

Katulong ni Vice Ma­yor Belmonte sa pag­presenta sa resolusyon si P/SSupt. Amando Clifton Empiso, acting chief for the Directorial Staff ng Special Action Force.

 “We would like to thank the QC Council for reaching out to the families of fallen officers.  The outpouring of support continues to inspire us to move on,” pahayag naman ni Empiso.

AMANDO CLIFTON EMPISO

ANDRES DUQUE JR.

BELMONTE

CITY COUNCIL

DIRECTORIAL STAFF

JOY BELMONTE

MELANIE DUQUE

MRS. DUQUE

PRESIDING OFFICER BELMONTE

VICE MA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with