5 ex-congressmen, Napoles swak sa 2nd batch ng pork scam
Angie dela Cruz, Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 6, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsasampa ng kasong korapsiyon laban sa limang dating Congressmen at sa detained businesswoman na si Janet Napoles.

“We are formally filing this afternoon the information (on the second batch of pork barrel scam cases),” pahayag ni Assistant Ombudsman Asryman Rafanan sa press conference kahapon.

Ito ay makaraang idiin ng Ombudsman sa natu­rang kaso ang mga da­ting mambabatas na sina Rizalina Seachon-Lanete (Masbate), Edgar Valdez (APEC party-list), Rodolfo Plaza (Agusan del Sur), Samuel Dangwa (Benguet) at Constantino Jaraula (Cagayan de Oro City).

Si Lanete na ngayo’y Masbate governor at si Valdez ay may kasong plunder dahil sa umano’y pagbubulsa sa P112.29 milyon at P95 milyong kickbacks mula sa kanilang Priority Development Assistance Funds (PDAF).

Nahaharap naman sa kasong malversation, direct bribery at graft and corrupt practices sina Plaza (P42.1 million), Dangwa (P26.7 million) at Jaraula (P20.8 million).

Sila ang second batch ng mga respondents sa pork barrel anomaly na sinasabing kakutsaba ni Napoles na sinasabing lumustay sa P244 milyon ng PDAF ng paglaanan ng natu­rang mambabatas ang pekeng NGO nito noong 2007 hanggang 2009.

ASSISTANT OMBUDSMAN ASRYMAN RAFANAN CONSTANTINO JARAULA EDGAR VALDEZ JANET NAPOLES MASBATE OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES ORO CITY PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUNDS RIZALINA SEACHON-LANETE RODOLFO PLAZA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with