OFWs, pamilya mahalaga sa lipunan - Pope
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Binigyang pagpapahalaga ni Pope Francis ang sakripisyo at pagsusumikap ng may 15 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo.

Ayon sa Santo Papa, napaka-importante ang ginagampanang papel o tungkulin ng milyun-milyong Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa sa pagtulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.

“I would also mention the oft-neglected, yet real contributions of Filipinos of the diaspora to the life and welfare of the society in which they live,” ani Pope Francis. 

Nagpasalamat naman ang Migrante International sa Santo Papa sa pagkilala at pagpapahalaga sa mga OFWs.

Binanggit din nito ang misyon ng bawat pamil­ya lalo na ang magandang turo ng magulang sa kanilang mga anak ng tamang asal at pagpapahalaga sa iba.

“Families have an indispensable mission in society. It is in the family that children are trained in sound values, high ideals, and genuine concern for others. But, like all God’s gifts, the family can also be disfigured and destroyed. It needs our support,” ayon sa Santo Papa.

Sa kanyang pagtungo sa MOA arena kahapon, isang sanggol na kalong ng magulang na kabilang sa mga taong dumagsa ang hinintuan, kinarga, hinalikan at binasbasan ng Santo Papa bago pa siya nakapasok sa arena.

May mga nagsalitang pamilya kabilang ang isang pipi na nagkuwento ng tungkol sa kanilang pamilya at kung paano sila ginabayan ng Panginoong Diyos.

Muli sinabi ng Santo Papa sa kanyang speech sa harap ng mga pamil­ya sa MOA Arena ang kahalagahan ng matibay na pamilya, moralidad, kahirapan at ang pagdurusa ng marami dahil sa pagkawasak ng kanilang mga pamilya.

Hinikayat ng Santo Papa ang mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak ng may magandang asal at palakasin ang pananampalataya sa Diyos.

Hinimok din niya ang mga pamilyang Pilipino na lumabas sa kanilang taha­nan at tulungan ang mga nangangailangan, iparamdam ang pagkalinga at pagmamahal sa mga nakatatanda at batang ulila.

AYON BINANGGIT BINIGYANG DIYOS MIGRANTE INTERNATIONAL PANGINOONG DIYOS POPE FRANCIS SANTO PAPA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with