Deputy chief ng MPD- 2, tinarakan ng gunting sa leeg ng adik
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sugatan  ang deputy chief ng Manila Police District-station 2 nang saksakin  ng gunting sa leeg ng isang lalaking ‘high’ umano sa iligal  na droga sa mismong gate ng bahay nito, sa Tondo, Maynika,kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na kinilalang si MPD-station 2 deput chief,  C/Insp. Ro­berto Mupas, 36, ng   Tondo ay kasalukuyang ginagamot sa hindi binanggit na ospital ­bunga ng tinamong sugat sa kaliwang bahagi ng leeg.

Arestado naman ang suspek na si Dennis dela Rosa, 22, residente ng Pinoy st., Tondo.

Sa ulat ni SPO3 Eric delos Arcos, dakong alas-10:30 ng gabi  nang maganap ang pananaksak sa mismong harapan  ng gate ng tahanan ng  pulis.

Ayon pa sa ulat, tinatawag umano ng suspek  ang biktima, na habang nasa labas ng gate ay nagsasabi umano na ipasok ng trabaho ang kaniyang asawa.

Dahil nahalata umano ni Mupas na nasa impluwensiya ng iligal na droga ang suspek, hindi umano nito pinansin ang sinasabi ng suspek.

Nagalit umano ang suspect sa pagbalewala sa kaniya ni Mupas kaya mabilis na nilapitan at inundayan sa leeg ng hawak na gunting at naagapan naman ng biktima ang ikalawang atake o pagtarak sa kaniyang leeg nang sanggain ang kamay.

Ipinagharap na ng reklamong attempted murder ang suspek na nakapiit sa MPD-station 2 detention cell.

ARESTADO AYON DAHIL IPINAGHARAP MANILA POLICE DISTRICT MAYNIKA MUPAS NAGALIT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with