‘Trillanes desperado nang maibagsak ang VP’-Tiangco
Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sa inaasahang pagpapatuloy ng Senado sa imbestigasyon sa Makati sa taong 2015, ipinahayag kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco na hindi na niya ikakagulat kung merong bagong mga kasinungalingan sina Senador Antonio Trillanes IV at mga kasamahan nito laban kay Vice President Jejomar Binay.

“Inaasahan na namin na patuloy pa rin ang paninira sa Bise Presidente pagpasok ng bagong taon. Patuloy na titindi ang mga pag-atake kay BP pero, dahil hindi kinakagat ng mamamayan ang inilalako nilang mga kasinungali­ngan, inaasahan na na­ming merong bagong pakulo ang telenovela sa Senado sa pangalawang season,” sabi ni Tiangco.

Nagpahiwatig kama­kailan si Trillanes sa mga mamamahayag ng maaa­sahang mangyayari sa imbestigasyon ng Senado sa pumasok na bagong taon pero, ayon kay Tiangco, isa itong desperadong hakbang para makakuha sila ng mga manonood dahil nawawalan na ng interes ang publiko sa pagdinig ng mataas na kapulungan sa mga isyu sa Makati.

“Kailangan nila ng bagong twist at personalities sa second season ng Senate telenovela. Hindi namin alam kung ano na namang mga paratang ang ibabato nila sa Bise Presidente. Ang alam namin, lahat ng kuwento ay bahagi ng script para maibaba ang rating ng VP. Papayagan muli ni Trillanes ang mga testigo na magsinungaling sa sinumpaang salaysay tulad ng ginawa nila sa naunang mga pagdinig,” sabi pa ni Tiangco.

Ayon kay Tiangco, handang sagutin ni Binay ang lahat ng mga akusasyon laban dito sa Office of the Ombudsman na siyang tamang lugar para rito.

BISE PRESIDENTE MAKATI OFFICE OF THE OMBUDSMAN SENADO SENADOR ANTONIO TRILLANES TIANGCO TOBY TIANGCO TRILLANES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with