_ngayon
^

Bansa

Barbero at manikurista, pakukunin na ng lisensiya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang panukalang batas na naglalayong i-regulate ang ‘bar­bering’ o panggugupit ng buhok at cosmetology kabilang na ang mga taga-linis ng kuko, taga-make up at iba’t ibang uri ng serbisyo tungkol sa pagpapaganda.

 Sa Senate Bill 2508 na tatawaging “Bar­bering and Cosme­tology Act” kapag naging ganap na  batas, nais ni Santiago na magkaroon ng isang board na sasala sa mga nais pumasok sa larangan ng barbering at cosmetology.

Ipinaliwanag ni Santiago na katungkulan ng estado na tiyakin na nabibigyan ng proteksiyon ang mga mamamayan lalo na sa kalinisan.

Karamihan aniya sa estado ng Amerika kabilang na ang California, Minnesota, New Hampshire, Virginia at Montana ay may ‘board of barbering and cosmetology’ na nagbibigay ng lisensiya sa mga cosmetologists, barbers, manicurists, aestheticians  para sa skin care, electrologists, at mga establisimiyento na nagbibigay ng mga kahalintulad na serbisyo.

Ang nasabing board din ang humahawak ng mga reklamo kaugnay sa kapabayaan, incompetence, at maging sanitary conditions ng mga estabilisemyento at mga schools ng barbering at cosmetology at elec­trology.

Sinabi ni Santiago na dapat i-regulate ang barbering at cosme­tology upang mabigyan ng proteksiyon ang mga consumers.

Sakaling maging batas ang panukala, magkakaroon na ng Board of Barbering and Cosmeto­logy sa Pilipinas kung saan kinakailangang kumuha at mag-renew ng lisensiya ang mga cosmetologists, barbers, manicurists, aestheticians, electrologists, at mga establishments na nagpapatakbo ng kahalintulad na negosyo.

Ang nasabing board din ang titiyak sa kaligtasan at pagpapanatili ng sanitation standards ng iba’t ibang barber shops at mga beauty parlors sa bansa.

 

AMERIKA BOARD OF BARBERING AND COSMETO COSME IPINALIWANAG ISINUSULONG NEW HAMPSHIRE SA SENATE BILL SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with