Gun free yuletide season target ng PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Determinado ang Philip­pine National Police na maipatupad ang ‘gun free holidays  kaugnay ng pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon sa buong bansa.

Kahapon ay nagpa­labas ng memorandum si PNP officer-in-charge Deputy Director Gen. Leo­nardo Espina na nagbabawal sa lahat ng mga pulis na masangkot sa illegal discharge of firearms o pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa tradisyunal na pagpapalit ng taon. 

Bukod dito ay tututukan naman ng PNP ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno gayundin maging ang mga sibilyang gun holders laban sa indiscriminate ­firing.

Ang hakbang ay upang maiwasan na may mabiktimang sibil­yan ng ligaw na bala lalo na ang mga bata.

Magpapakalat din ang PNP ng mga intelligence operatives at asset nito para i-monitor at matukoy ang mga pulis, sundalo at mga opisyal, kawani ng gobyerno maging ang mga sibil­yan na masa­sangkot sa pagpapaputok ng baril sa selebrasyon ng kapaskuhan.

Kabilang naman sa kampanya ang sabay-sabay na ‘gun muzzle taping’ mula sa National Headquarters hanggang sa Police Regional Offi­ces, Provincial Offices, City at Municipal Police Stations sa bansa na gaganapin sa Lunes (Disyembre 22) upang mabatid kung sino sa mga pulis ang susuway sa kautusan.

Nag-organisa na ang PNP at AFP ng mga joint preventive patrol team para arestuhin o hulihin ang mga uniformed personnel at iba pang mga kasapi ng law enforcement agencies na masa­sangkot sa illegal discharge of firearms.

BUKOD DEPUTY DIRECTOR GEN MUNICIPAL POLICE STATIONS NATIONAL HEADQUARTERS NATIONAL POLICE POLICE REGIONAL OFFI PROVINCIAL OFFICES SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with