Dis. 24, ultimatum sa Bilibid inmates
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hanggang sa Disyembre 24 ang itinakdang ultimatum ni Justice Secretary Leila de Lima sa mga preso sa New Bilibid Prisons (NBP) para isuko ang mga kontrabandong ikinukubli sa piitan.

Ito ang inanunsyo ng kalihim sa lider ng 15 grupo sa loob ng Bilibid ngayong Biyernes kasunod ng inilunsad na ikalawang raid sa maximum security compound ng ‘community prison.’

Tinukoy ni de Lima na kabilang sa mga kontrabando ang ilegal na droga, baril at pera.

Sinabi ng kalihim sa mga lider na ikinababahala ni Pangulong Aquino ang pagkakaroon ng mga baril sa NBP.

Nangako naman ng kooperasyon ang mga lider ng mga pangkat sa Bilibid. Pero ipinarating ng mga ito ang pangamba sa kanilang seguridad at maging sa kanilang mga pamilya. 

Pinaiimbestigahan na rin ni de Lima ang report na may nagtangkang magligaw sa mga ahente ng NBI sa isinagawang raid noong Lunes.

Ipinasisiyasat na rin ang pagdaos umano ng concert sa Resorts World ni Herbert Colangco, isang convicted robbery-holdup gang leader.

BILIBID BIYERNES DISYEMBRE HANGGANG HERBERT COLANGCO JUSTICE SECRETARY LEILA NEW BILIBID PRISONS PANGULONG AQUINO RESORTS WORLD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with