^

Bansa

2 Pinoy patay sa lumubog na barko

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa sa 10 nawawalang mangingisdang Pinoy ang kumpirmadong patay matapos marekober ang kanilang katawan matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang barko sa Bering Sea sa Russia noong Lunes. Kinilala ng DFA ang mga nasawing Pinoy na sina Jessie Londres, 25, at Arnel Navales, tubong General Santos City.

Apat na Russian ships ang patuloy na gumagalugad sa Bering Sea para mahanap ang 41 pang mangi­ngisda na nawawala kabilang ang walo pang Pinoy.

Nasa maayos nang kalagayan ang tatlong nasagip na Pinoy na sina Rowell Aljecera, 30; Teddy Paranque Jr., 31 at Micol Sabay, 39, na sumalilam sa atensyong medikal lulan ng dalawang magkahiwalay na Russian ships (Karolina-77 at Zalive Zabiyaka trawler).

May 13 tripulanteng Pinoy, 36 Indonesians, 11 South Koreans at isang Russian inspector ang lulan ng Oriong-501 trawler nang maganap ang paglubog.

 

ARNEL NAVALES

BERING SEA

GENERAL SANTOS CITY

JESSIE LONDRES

MICOL SABAY

PINOY

ROWELL ALJECERA

SOUTH KOREANS

TEDDY PARANQUE JR.

ZALIVE ZABIYAKA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with