Globe, inilunsad ang Piso Mall para sa prepaid at TM customers
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inilunsad ng Globe Te­lecom ang Piso Mall, ang first-of-its-kind video store kung saan maaaring manood ang mga Globe Prepaid at TM customers ng iba’t ibang videos mula sa kanilang paboritong TV shows, concerts, movie clips, tutorials at music videos­ for as low as P1.

Mahigit 200,000 co­medy, drama, action at music videos ang pwede nang mapanood ng lahat ng Globe Prepaid at TM customers sa kanilang mga mobile phones.

Sa pamamagitan ng produktong ito ay mas pinalawak ng Globe Telecom ang access sa internet ng mga prepaid customers sa bansa, ka­tulad ng access sa “rich content” katulad ng videos na pwedeng mapanood at ma-enjoy kahit saan at kahit kailan, sa presyong magaan sa bulsa.

Walang data charges at hindi rin kailangan ng maintaining prepaid load balance para makapag-browse ng videos sa Piso Mall. Magsisimula lamang ang charging ng P1 kapag nag-view o nanood na ang customer ng video. Hindi na kailangan pa ng anumang data plan o WiFi connection para makapanood ng video.

“Nais naming bigyan ng mas madali at mas murang internet access ang aming mga Globe at TM custo­mers upang ma-enjoy nila ang iba’t-ibang videos sa kanilang cellphones, saan man at anong oras man nila gusto. Sa Piso Mall, maaari nang makapanood ng paborito mong video for as low as P1 mula sa avai­lable na mahigit 200,000 videos,” saad ni Issa Cabreira, Senior Vice President, Globe Consumer Mobile Marketing.

Ang mga Piso Mall videos ay maaaring maha­nap at mapanood mula sa mahigit 10 video channels tulad ng VIVA, ABS-CBN, GMA, Hollywood and news, Music, Kids, For Men, Lifestyle, Sports, Extreme, Technology, Cooking­ at Web Series.

Kinakailangang naka-internet-capable phone at Globe/TM SIM upang magamit ang Piso Mall. I-text lang ang PISO sa 8888 at i-click ang link o bisitahin ang http://m.pisomall.com.ph sa browser ng iyong cellphone.

 

FOR MEN GLOBE GLOBE CONSUMER MOBILE MARKETING GLOBE PREPAID GLOBE TE GLOBE TELECOM PISO MALL SHY VIDEOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with