KBP sa pag-atras ni Binay: Wala kaming magagawa
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 2:17pm

MANILA, Philippines — Mismong si Bise Presidente Jejomar Binay ang nagmungkahi sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na mag-ayos ng debate sa pagitan nia ni Sen. Antonio Trillanes.

Sinabi ni KBP President Herman Basbaño na Oktubre 21 nang kausapin sila ni Binay para sa naturang debate na dapat ay gagawin sa Nobyembre 21.

"[Nangyari ito] noong MOA (memorandum of agreement) signing with Pag-IBIG Fund, bisita namin si bise presidente, noon nasabi... at first tahimik lang kami," kuwento ni Basbaño sa kanyang panayam sa dzBB.

Dagdag niya na nang tanggapin ni Trillanes ang hamon ay kaagad silang naghanda para sa debate.

"Medyo mahirap na tanggihan na."

Pero ngayong Martes ay inihayag ni Binay na hindi na siya dadalo sa debate dahil ayaw niyang magkaroon ng lamang sa kanilang paghaharap ni Trillanes.

"Despite the effort [of the KBP], wala tayong magagawa ... Walang problema sa'min, we understand," komento ng pinuno ng KBP.

 

BASAHIN: Trillanes: Binay walang isang salita

ANTONIO TRILLANES BASBA BINAY BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY BRODKASTER DAGDAG KAPISANAN PRESIDENT HERMAN BASBA TRILLANES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with